A Balita-Roundup of the Latest Happenings in My World..
Syempre, medyo matagal narin since I told everyone my stories. I'm lucky kasi may mga tao akong palaging kasama, so alam nila mga pangyayari sa buhay ko. Pero there are a lot of you na hindi ko na masyadong nakwekwentuhan, so here's a balita roundup.
The Workaholic Syndrome
For the first time in my life, I have become a little workaholic. Yup, madami talaga akong trabaho ngaun, and I'm loving it. I'm doing what I love the most and I'm getting paid for it, which makes it the best job!
Syempre, I miss school life, I can't deny that. I miss the AB Uniform, I miss the lectures and the assignments. Pero before you actually think na I'm regretting my decission to skip this sem, let me clear it out again: I love what I'm doing right now and I don't regret my choice. Yeah, I miss school things, pero my job keeps me happy naman eh.
At oo nga pala, I kinda decided na rin to give up the whole "graphic and web designer" thing and focus solely on being an web application developer. Nakita ko kasi from the trends from my past projects na halos wala akong nakukuhang solid graphic design jobs and puro web applications talaga. And I can say naman that web applications are really my strength. So giveup na muna ako sa print design jobs.
As for financial, no worries pa naman at the moment. Hindi na ako masyadong namumulubi, and I have savings na rin naman. So all's well sa career ko.. :)
New Phone
After almost six years, nagpalit na ako ng phone. Nothing fancy, just a sleek Sony Ericsson Z530i. Maganda naman ang features and I love the cool black matte finish nung cover.
I bought it on July 7, 2007 (777, yeah, lucky phone.. hahaha) with the help of Marianne and Tekla. Wow, amazed pala ako sa bargaining skills nitong si Tek.. Babaeng baratillo pala ito.
You'll find the basic features naman: media player, java, sms and mms, email, wap, etc. May camera din sya, na akala ko e pangit ang pictures, pero maganda naman pala. Maliit lang yung LCD kaya hindi mo makikita yung real quality. Pero once transferred sa PC, it looks good naman.
The thing I like most about this phone is the fact I can sync it with my PC. Since I'm always trying to schedule appointments with my clients, it's a good thing na syncronized ang phone at PC ko because I always work with both.
Pero I hate the fact that mahina yung message alert tone, kahit na super lakas na nung ringing volume. I did some research and found out na sakit pala talaga yun ng mga Sony Ericsson phones. Anyway, I can live with that naman, since I put my phone in silent mode almost every time.
And for those who are wondering, I didn't change numbers. It's still 0916677****.
Lovelife.. Or Should I Say, Lovedeath?
When it comes to my lovelife, bano parin ako.. Hahaha, no change at all. Ayun, ganon parin: still single and quirky.
Let's have a quick rundown of my most recent love-related kyemes. For the sake of being polite, hindi ako maglalagay ng pangalan--code songs nalang. At hindi rin pala ako magsusulat about the more well-publicised ones.. Sorry, for close people only..
- "How can something so wrong, feel so right all along? Catch me, I'm falling for you." Hahaha. Kilala nyo namang lahat ito eh. Well, I can safely say na tapos na ang sagang ito ng buhay ko. From Tinoco Park and the UST Grandstand, to Plaza Calderon at the Big Dome, nasubaybayan nyo ang kwento ko at ni Ascat. Fortunately, okay naman na ang lahat. Somehow, I learned my lesson: you can try and break a straight stick, but it will never really bend. Pero it's really all good. We're still friends and we bump into each other every once in a while. At naprove ko rin na mali pala ako; he still remembers my name.. Hahaha.. Pero yun, goodluck nalang sa mahabang list ng mga bilat na nagkukumahog magpost ng comments sa profile nya!
- "And I know that he knows I'm unfaithful and it kills him inside." Nako, masyadong madugo ang isang ito. After the weird Ortigas incident, naging mas close kami ng taong ito: to the point na malapit nang maging kami. And although nakakatuwa naman siya, I really can't have a relationship sa menchung ito. Pano naman, hindi maalis sa isip ko na kung kaya nyang gawin iyong ginawa nya sa iba, how could it be any different with me, diba? So kahit na palagi niyang sinasabi na gusto talaga niya ako, at kahit pa muntik na akong mahulog sa mga kamay niya, no parin ang ending. Hindi ako mang-aagaw.. nangyari nalang bigla. Pero okay lang naman yung, I'll just groove to the Maroon 5 cd na gift niya sakin. Besides, very good friends pa naman kami ni Lo..
- "Just turn around now, cause you're not welcomed any more!" Eto ang nakakatawa. I met this person na DL. Nagchat kami tapos binigay nya number nya. Tinext ko tapos hindi nagreply. I sent a message pero no avail parin. So I thought it was a lost cause. Pero nagulat nalang ako nang nagtext siya a few weeks later. Nung una sinabon ko, pero mabait naman pala. We still text, even if he's quite committed. Pero alam ko namang hindi ko siya talaga type: masyadong busy-busyhan.. So ayun, si Nuggets nalang siguro ang katapat niya..
- "I thought you we're my fairy tale, a dream when I'm not sleeping." Well, this is the saddest talaga. Nameet ko rin siya sa DL. Tapos we hit perfectly nung una. Pareho kami ng interest, we make each other laugh at talagang nakakatuwa siya. Pero ewan, talagang hindi yata ako meant for UP people na mahilig maglaro ng Tekken. Siya yung kasama kong nanuod ng Harry Potter and the Order of the Pheonix sa Trinoma (sidenote: Trinoma sucks! Isang malaking MRT station!) at nakita pa nga namin ang isang AA Apprentice (si Tatay Keith). Well, akala ko may next day date pa sa UP, pero turns out wala na pala. Ewan ko talaga. I really thought I was right for the first time, hindi pala. Not when you see the words "I want us to be friends" flashing sa iyong YM screen. Hay.. I must admit na umiyak talaga ako ng todo. The truth is, masakit talaga para sakin kasi I was really, really expecting. It was so painful na wala na akong maramdaman. Sayang, yon lang naisip ko. Pero hindi pala ganon ang naramdaman niya. Siguro I really need to stop watching for signs: hindi lahat ng nakakatuwa, cuddly at touchy people ay may pinapahiwatig. Sometimes, it's just that plain. Anyway, okay naman na ngayon. Come to think of it, it's not really a loss. Mas masakit para sakin ang fact na hindi ako pwedeng kumain ng cheese flavoured popcorn sa sinehan. Nako, mabuti pa ay maghubad nalang tayong lahat at sumayaw ng Happy Happy Joy Joy..
As you can see, bigo parin talaga ako sa pag-ibig. Pero hindi naman ako totally sad. Masaya parin naman kahit walang jowa or walang kasama. Ilang taon narin naman akong single (pero hindi tigang.. :D) and I don't think there's any rush.
And by the way, thank you nga pala kay Jmaricon para sa kanyang inspiring words the night before I went out with number 4.
May Buddy Ako!
Sa AA naman (which stands for Artistang Artlets), masaya rin naman ako this year. Masayang-masaya dahil may buddy ako! Yehey!
Halos four years narin ako sa AA at medyo reluctant din ako sa buddies this year. Nung first year ko kasi, may buddy ako, si Kuya Gean del Mundo. Pero hindi kami masyadong naging close, kasi girls daw palagi buddies nya. Anyway, napasa niya yata sakin yung curse nya kasi hindi na ako nagkaroon ng buddy after niya. Nung second year, ang buddy ko ay si Nina, na nagquit from AA at ngayon ay Artistic Director na ng Teatro Tomasino. Last year naman, ang buddy ko ay si Lizelle, na nagquit din at hindi ko na nakita ever since.
Kaya this year, reluctant talaga ako sa mga buddy-buddy. Feeling ko kasi eh baka madisappoint lang uli ako. Pero dahil Senior ako, pwede na akong pumuli ng buddy. Kaya I took the chance nalang...
Dalawa yung buddies ko. Yung una, si Ysabel, ay under sa aspect ko: techical directing. Well, at first na natuwa naman ako sa kanya, kasi bibo siya nung auditions. Unfortunately, nag-quit ang lulu. Well, sorry nalang sa kanya.
My second buddy is Nikko, who is also from (surprise!) TD. Nako, mahal ko talaga itong buddy kong ito. He's funny at gigglish, kaya natutuwa ako sa kanya. Sana eh magstay siya at maging maayos ang acads nya. Panawagan pala sa parents ng buddy ko: Ah, mam, sir, sana po eh maintindihan niyo naman si Nikko. Magaling naman yang batang iyan eh.. and he promised to do good with his studies. Sana po eh payagan niyo siyang magcontinue sa AA.. :)
(Sidenote: TD stands for Technical Direction, not Technical Design. You can design lighting schemes, you can design musical scores, you can design sets and other PD things. But you can never design technicals. You direct technicals. Wag sana po tayong maconfuse.)
Oo nga pala, umamin ako agad sa buddy ko. Yeah, I know, loser move. Pero I had to kasi; sabi kasi niya magquiquit na raw siya and I don't want to lose another buddy na hindi niya ako kilala. Gusto ko pa sanang maging anonymous for another month or so, pero okay na rin..
And another thing: Buddy, mag-globe ka na ha?.. Hehehe
Outta Time!
Well, yan lang naman ang recent happenings ngayon. I'll keep everyone posted kung may mga bagong balita. Toodles!