Para Kay "golihcbaG"
Hindi ko lang alam ha, pero kung tatanungin mo ako, mas maniniwala pa ako na ang normal days mo ay kapag down ka at ang abnormal days mo ay kapag masaya. Lagi ka nalang kasing down.
Kapag binabasa ko ang blog mo, puro mga "downer" post and nakalagay--kundi man mga pictures. Napapangiti nalang ako minsan kapag nakakita ako ng post na mukha namang masaya ka nung ginawa... ibig sabihin kasi ay wala kang iniisip na problema.
Alam kong hindi mo maikwekwento lahat ng mga iniisip mo at mga prinuproblema mo.. siguradong makakaubos tayo ng isang ream.. pero tandaan mo na nandito lang ako.. nandito lang kami.. para makinig sayo.
Hindi ko sinasabing kilala na kita katulad ng pagkilala ko sa mga batchmates ko, pero masasabi ko naman na kahit papano, alam ko na ang takbo ng isip mo... magulo, makulit, bibo. At alam ko rin kung ano ang mga hinaing mo at mga naisin mo..
Sa totoo lang, itinuturing kita bilang isa sa mga pinaka-mabuti kong kaibigan. Hindi lamang isang ka-organisasyon, hindi lang isang lower batch, hindi lang isang yosi-buddy, hindi lang isang kakilala. Kaya nasasaktan ako kapag pinipilit mong i-down ang sarili mo.
Kung ako ang tatanungin, napaka-gulo mo talagang tao.. ang dami mong attempts na pataasin ang self-esteem mo (kitang-kita sa blog) pero patuloy ka paring bumabalik sa dati... Ano ba talaga? Ilang beses ba namin dapat sabihin sa iyo na hindi ka dapat madown?
Kapag napag-uusapan ka namin minsan ni Xi, hindi namin alam kung ano ba talaga ang dapat gawin sa iyo. Parang ilang beses ka na yata naming sinabihan na wag kang ma-down, pero lugmok ka parin.
Hindi ka loser. Hindi ka bobo. Hindi ka weird (minsan). Hindi ka pangit. Hindi ka mahina. Hindi ka nag-iisa.
Kung sa tingin mo na-iiwan ka na, wag kang ma down. May panahon para sa lahat--may panahon para sa iyo. Siguro hindi mo pa panahon ngayon, at siguro mayroon pang mas magandang araw para sa iyo. Pero hindi dahil parang napag-iiwanan ka na ngayon eh magpapakalumo ka nalang. Hindi ganon ang sistema.
Noong una kitang nakita, akala ko ay isa ka lang batang medyo marunong umarte pero walang ibang talent kundi magpatawa. Pero nung mas nakilala kita, nakita ko ang potensiyal mong kakayahan. Nakita ko kung ano ang kaya mong marating. Nakita ko kung sino ka talaga.
Minsan, napag-usapan ka namin ni Yan. Tuwang-tuwa daw siya sa iyo. Alam mo kung bakit? Dahil parang nakuha mo daw lahat ng mga leksyong gustong ituro ng AA. Kahit ako nagugulat kapag naririnig kitang nagbibigay ng mga komento na tunay nga namang makatotohanan.. Ibig sabihin lang niyan eh alam mo na kung ano ba talaga itong organisasyon natin.
Marahil, hindi mo alam na marami sa amin ang nakakapansin na ang oras kung kailan pinaka-"madunong" ka ay kapag nagpapaka-seryoso ka. Para kasing isang napaka-mature na member ang nagsasalita. Iyan ba ang isang napag-iiwanan?
Isipin mo, ikumpara mo. Sa tingin mo ba ay wala ka pang nararating ngayon mula sa pagiging Denver mo dati? Siguro hindi mo makokonsidera na malaking mga achievements ang mga nagawa mo... pero hindi mo rin pwedeng sabihin na walang kwenta.
Mahal ka namin at alam namin ang tunay mong potensiyal. Wag kang mag-aatubiling humingi ng tulong. Hindi ka loser, wag mong isipin yan.
Lahat ng bagay ay may panahon. Maghintay ka lang...
... yosi muna tayo.
Labels: rants