Electric Itlog

An archive of what was and what will be...

Friday, October 14, 2005

A went to See Leetel Mermeyd.. :P

Whew! What a day! I was so fortunate to sit with about a hundred "makulit", irritating and noisy children today, watching a re-run of the famous production entitled, "Ang mga Kumekembot na Sirena sa Isang Play na may Naive Ending" complete with Christian underpinnings.. :P

Whew! What a day! I was so fortunate to sit with about a hundred "makulit", irritating and noisy children today, watching a re-run of the famous production entitled, "Ang mga Kumekembot na Sirena sa Isang Play na may Naive Ending" complete with Christian underpinnings.. :P

Joke lang! The play was actually entitled "The Little Mermaid" (duh?) and was presented by the famous Trumpets theater group.. Actually, I really felt fortunate to watch the play (for free) at SM Megamall Cinema 10..

The production was great!.. Of course, that's what you'll expect from a production company where money is no object..

The lights were breath-taking, while the performance was "breathless" (kulang kasi sa paghinga yung ibang characters--hindi tuloy nila maabot yung kanta!)..

Of course, I went with my AA pips, at syempre, it was bangas fest [bangas: n. 1) panlalait/panloloko/paniniste; 2) honest criticism with a negative slant; 3) other word for "bembang";] .. Syempre hindi naman namin sya nabangas ng todo.. Trumpets yon, hello?!.. pero I enjoyed it so much!..

After the show, we went to the food court to eat.. eh purita ako ngayon, so i didn't even bother to eat.. yosi lang okey na..

Which brings me to an interesting observation: sa dami ng mga nagyoyosi sa Mega, bakit wala ni isang malapit na nagbebenta ng yosi?!.. Oh my god talaga.. Nung una, inikot lang namin ni Xi yung ground at upper floors.. wala.. tapos lumabas kami, hoping to come across a vendor outside.. wala parin!.. we ended up going to the other end of Mega (we were at building B then) just to buy yosi at the supermarket..

How many smokers do these vendors need for them to see that SM Megamall is a smoking haven?! Sana naman kasi may initiative sila na magbenta sa labas diba?!.. :D

Hay nako, buti nalang wala na akong gagawin bukas.. Magpapahinga kasi muna ako.. I feel so stressed out from the past few days.. :D Good thing nalang na nakapag-kape na kanina me sa Mega--wala na kasi kaming kape sa bahay.. ewan ko ba kung paano ko napagtiyagaan yung "instant cappucino" na wala namang lasa ng kape!.. naku! ang buhay talaga ng coffee addict at casual smoker ay napaka-complex!.. hehehe..

HAY! TAPOS NA ANG FINALS, TAPOS NA ANG SEM! MAGPAKASAYA NA KAYO! BAKASYON NYO NA! Ako?! wala.. parang hindi nga ako makakapagbakasyon eh!!.. good thing wala naman talaga akong plano.. :D

Mabuhay ang lahat!

Labels:

Saturday, October 01, 2005

Not a Total Bum Day

Weirdly enough, I had the urge to go to Malate just to smoke.. Now I know that V-Fresh plus Marlboro Lights make for a horrible combination.

I woke up at around 9:30 today.. Daig ko pa ang nakainom ng isang case ng beer.. para bang nagkahang-over ako sa Bum Night namin kagabi.. Wala kasing magawa, so I invited my "Bum Mates/Yosi Buddies" Xy at Ate Jade na pumunta sa Baywalk.. Sabi ko miss ko na ang Malate at masarap lumanghap ng hangin ng dagat.. besides, masarap din atang magyosi sa Baywalk..

Nung una, kami lang dapat tatlo.. buti nalang sumama sila Kuya Richard at nakahabol sila Jhey at Jaymar.. Tapos un, wala kaming ginawa.. :D Kumain lang kami ng Arroz Caldo at humithit ng yosi..

Oo nga pala, wag nyong paghahaluin ang V-Fresh at Marlboro Lights.. Lasang bilasang isda..

Okey na sana ang lahat, kaso biglang umulan! Dyosko! Para kaming mga taong kalye na nakasukob sa dalawang payong!.. Hehehe! At daig pa namin ang Amazing Race nang tinunton namin ang Gil Puyat Street para makauwi.. :P

So yon nga, Bum Night nga kagabi.. Ngayon, natulog lang ako.. Tapos kaninang mga 3pm, naisipan kong gumimik mag-isa.. Wala na akong pera, pero talagang miss ko nang mag-ikot nang walang kasama.. closet loner kasi ako.. tapos yon, nagbihis ako, humingi ng 200 sa tita ko at tumuloy sa Glorietta para maglakad at magyosi..

Nung nakarating ako sa Glorietta, nag-ikot-ikot muna ako.. tumingin ng libro at kung ano-ano pa.. Tapos napansin ko ang napakalaking poster na nakapaskil: may show daw ngayon.. And guess what? Nandon ang favorite kong Spongecola.. Ayos! Siguro hindi ito magiging Bum Night part two..

Nung pumunta ako sa activity center, Sugarfree pa ang kumakanta.. Nung una hindi ko sila mamukhaan, ang dami kasing mga tao.. Pero nung kumanta si Ebe, ayon na, Sugarfree nga.. Ang dami talagang tao, hindi ako makasingit.. Eh ang liit-liit ko, pano ako makakasingit?! So pumunta nalang muna ako sa Greenbelt..

Syempre, smoking zone ang GB, kaya i didn't let the opportunity pass.. Eh kaso, pagdukot ko sa bulsa ko, wala doon yung lighter ko! Punyeta! Lumakad pa ako hanggang sa nakakita ako ng nagbebenta ng yosi.. Nakisindi nalang ako.. fuck talaga!.. at ang mas nakakatawa eh ang pagkadulas ko sa may harap ng chowking sa may GB2.. nakakahiya.. :P

Two sticks later, bumalik na ako sa may Glorietta.. Eh hindi parin nagsisimula ang Spongecola, so nag-ikot-ikot muna ako.. Siguro mga isang oras akong nag-ikot.. Nakakita ako ng Seattle's Best at naisipan kong mag-kape nalang.. Sempre bumili muna ako ng magazine para hindi naman ako total bum na nagkakape don diba?.. :D

Ready na akong mag-give-up at umuwi nalang upang basahin ang magazine kong binila nang biglang, CHEDENG! Narinig ko ang Lunes! OMG! Nagrush ako para tignan sila Yael.. Eh nasa pinaka taas ako ng Glorietta, kaya napunta ako dun sa may spot directly overhead kay Yael! Ang saya! Although hindi ko nakitang mabuti yung mukha nya, at least nakita ko siya dba? (bitter?!).. :D

Eh napagod ako sa kakatayo, kaya i stuck to my former plan.. Pumunta ako sa SB at nagkape.. bumili ako ng double americano (syempre, favorite) at naupo.. buti nalang malapit lang yun sa may activity center kaya naririnig ko parin sila..

Ang saya talaga! There i was, drinking coffee, reading my favorite graphic design magazine and listening to my favorite band! I couldn't wish for anything "bummier!"

Nong natapos ko yung magazine, tumayo na ako at dinala ang kape ko na malapit nang maubos.. Bumalik ako dun sa dati kong spot at naabutan ko ang pagkanta ni Yael sa favorite kong "Una".. Nang natapos ang kanta, bumaba na ako para mas malapitan ko sila Yael.. Tama, hindi nga siya matangkad.. siguro mas matangkad lang siya nang konti sa akin.. MABUHAY ANG MGA VERTICALLY CHALLENGED!..

Jeepney yung last song nila.. In close proximity na ako nang kantahin ni Yael yon.. Napiyok nga nang kaunti si Yael sa bridge eh.. kakatawa.. nagcomment pa yung katabi ko, "Binata na.." :P

Nang matapos ang lahat, dali-dali akong tumungo dito sa Netopia.. Actually, wala pa ako sa bahay, gusto ko lang magpost ng blog habang fresh pa ang mga detalye.. :D

Ayon, although hindi perfect, at least this night wasn't a total Bum Night.. :D Pano ba yan, aalis na ako! May test pa ako nang LTS bukas eh.. hehe..

Labels: