Not a Total Bum Day
Weirdly enough, I had the urge to go to Malate just to smoke.. Now I know that V-Fresh plus Marlboro Lights make for a horrible combination.
I woke up at around 9:30 today.. Daig ko pa ang nakainom ng isang case ng beer.. para bang nagkahang-over ako sa Bum Night namin kagabi.. Wala kasing magawa, so I invited my "Bum Mates/Yosi Buddies" Xy at Ate Jade na pumunta sa Baywalk.. Sabi ko miss ko na ang Malate at masarap lumanghap ng hangin ng dagat.. besides, masarap din atang magyosi sa Baywalk..
Nung una, kami lang dapat tatlo.. buti nalang sumama sila Kuya Richard at nakahabol sila Jhey at Jaymar.. Tapos un, wala kaming ginawa.. :D Kumain lang kami ng Arroz Caldo at humithit ng yosi..
Oo nga pala, wag nyong paghahaluin ang V-Fresh at Marlboro Lights.. Lasang bilasang isda..
Okey na sana ang lahat, kaso biglang umulan! Dyosko! Para kaming mga taong kalye na nakasukob sa dalawang payong!.. Hehehe! At daig pa namin ang Amazing Race nang tinunton namin ang Gil Puyat Street para makauwi.. :P
So yon nga, Bum Night nga kagabi.. Ngayon, natulog lang ako.. Tapos kaninang mga 3pm, naisipan kong gumimik mag-isa.. Wala na akong pera, pero talagang miss ko nang mag-ikot nang walang kasama.. closet loner kasi ako.. tapos yon, nagbihis ako, humingi ng 200 sa tita ko at tumuloy sa Glorietta para maglakad at magyosi..
Nung nakarating ako sa Glorietta, nag-ikot-ikot muna ako.. tumingin ng libro at kung ano-ano pa.. Tapos napansin ko ang napakalaking poster na nakapaskil: may show daw ngayon.. And guess what? Nandon ang favorite kong Spongecola.. Ayos! Siguro hindi ito magiging Bum Night part two..
Nung pumunta ako sa activity center, Sugarfree pa ang kumakanta.. Nung una hindi ko sila mamukhaan, ang dami kasing mga tao.. Pero nung kumanta si Ebe, ayon na, Sugarfree nga.. Ang dami talagang tao, hindi ako makasingit.. Eh ang liit-liit ko, pano ako makakasingit?! So pumunta nalang muna ako sa Greenbelt..
Syempre, smoking zone ang GB, kaya i didn't let the opportunity pass.. Eh kaso, pagdukot ko sa bulsa ko, wala doon yung lighter ko! Punyeta! Lumakad pa ako hanggang sa nakakita ako ng nagbebenta ng yosi.. Nakisindi nalang ako.. fuck talaga!.. at ang mas nakakatawa eh ang pagkadulas ko sa may harap ng chowking sa may GB2.. nakakahiya.. :P
Two sticks later, bumalik na ako sa may Glorietta.. Eh hindi parin nagsisimula ang Spongecola, so nag-ikot-ikot muna ako.. Siguro mga isang oras akong nag-ikot.. Nakakita ako ng Seattle's Best at naisipan kong mag-kape nalang.. Sempre bumili muna ako ng magazine para hindi naman ako total bum na nagkakape don diba?.. :D
Ready na akong mag-give-up at umuwi nalang upang basahin ang magazine kong binila nang biglang, CHEDENG! Narinig ko ang Lunes! OMG! Nagrush ako para tignan sila Yael.. Eh nasa pinaka taas ako ng Glorietta, kaya napunta ako dun sa may spot directly overhead kay Yael! Ang saya! Although hindi ko nakitang mabuti yung mukha nya, at least nakita ko siya dba? (bitter?!).. :D
Eh napagod ako sa kakatayo, kaya i stuck to my former plan.. Pumunta ako sa SB at nagkape.. bumili ako ng double americano (syempre, favorite) at naupo.. buti nalang malapit lang yun sa may activity center kaya naririnig ko parin sila..
Ang saya talaga! There i was, drinking coffee, reading my favorite graphic design magazine and listening to my favorite band! I couldn't wish for anything "bummier!"
Nong natapos ko yung magazine, tumayo na ako at dinala ang kape ko na malapit nang maubos.. Bumalik ako dun sa dati kong spot at naabutan ko ang pagkanta ni Yael sa favorite kong "Una".. Nang natapos ang kanta, bumaba na ako para mas malapitan ko sila Yael.. Tama, hindi nga siya matangkad.. siguro mas matangkad lang siya nang konti sa akin.. MABUHAY ANG MGA VERTICALLY CHALLENGED!..
Jeepney yung last song nila.. In close proximity na ako nang kantahin ni Yael yon.. Napiyok nga nang kaunti si Yael sa bridge eh.. kakatawa.. nagcomment pa yung katabi ko, "Binata na.." :P
Nang matapos ang lahat, dali-dali akong tumungo dito sa Netopia.. Actually, wala pa ako sa bahay, gusto ko lang magpost ng blog habang fresh pa ang mga detalye.. :D
Ayon, although hindi perfect, at least this night wasn't a total Bum Night.. :D Pano ba yan, aalis na ako! May test pa ako nang LTS bukas eh.. hehe..
Labels: rants
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home