Nasaan na ang SONA?
Sa aking pakikinig sa SONA ng Pangulo noong nakaraang Lunes, hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong: nasaan na ang SONA? Sa hinaba-haba ng kanyang mga sinabi at sa likod ng kanyang nakakaantok na speech, hindi ko mahanap kung saan nya itinago ang tunay na SONA.
Kung aalamin natin, ang SONA ay isang acronym o pinaiksing tawag para sa "State of the Nation Address." Ano ang ibig sabihin nito? Isa itong address o isang pahayag ukol sa kasalukuyang state o kalagayan ng ating bansa.
Siguro ay nawili ang pangulo habang nagsusulat siya ng SONA, dahil sa lahat ng kanyang sinulat, halos walang nabanggit ukol sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Ang mga narinig ko ay mga plano at pangako; walang akong narinig na mga katotohanang maari nating makita sa ating sariling mga mata.
Hindi ko masisisi ang pangulo. Siguro, naisipan niya na ang tanging paraan upang maisalba ang kanyang sarili, na ngayon ay binabatikos at kinakalaban, ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng magarang powerpoint presentation at pagsasabi ng mga pangarap at mga plano na alam naman natin na hindi natin kayang abutin.
Walang masama sa pangangarap. Ang masama ay kung kasama ang isang buong bansa sa pangarap mo na may malaking posibilidad na hindi matuloy o mauwi lamang sa kontrobersya.
Marahil, hindi rin napansin ng mga taong palakpak nang palakpak habang nakikinig sa pangulo na wala talagang SONA na naganap--masyado kasi silang masaya. Siguro nagpapa-pogi lang sila sa pangulo, o di kaya'y wala lang talaga silang alam ukol sa SONA.
Nasaan na ang mga ulat ukol sa kahirapan? O di kaya'y sa kawalan ng trabaho o kababaan ng suweldo? Nasaan na ang mga dahilan ukol sa korupsyon na hindi parin masupil? Sa krimen na hindi parin mapigilan? Sa patuloy na pagtaas ng bilihin at ng produktong petrolyo? Nasaan na ang tunay na SONA na kailangang marinig ni Juan dela Cruz?
Hindi naman siguro manhid ang mga Pilipino para hindi makita na hanggang ngayon, wala paring pagbabago sa Pilipinas. At ito marahil ang dahilan kung bakit hindi na nilagay ng pangulo ang mga bagay-bagay na ito sa kanyang ibinigay na SONA. Sapagkat kung ibibigay ng pangulo ang tunay na kalagayan ng Pilipinas, hindi na sya magtatagal pa sa entablado. Sasabihin lang nya, "Eto, katulad parin ng dati!"
Ang daming mga pangako. Ang daming mga plano. Ang daming mga gustong gawin. Pero ang dami ring gagastusing pera, ang dami ring utang na kailangang kunim, ang dami ring mga pulitikong mangungurakot.
Ano nga ba talaga ang tunay na SONA ng Pilipinas? Humanap ka ng isang ordinaryong mamamayan ng Pilipinas at tanungin mo siya kung ano ang tingin n'ya sa bansa n'ya ngayon. 'Yun ang tunay na SONA.
Hindi mga plano ang solusyon sa mga problema ng Pilipinas. Hindi mga super-regions o mga malalaking inprastraktura na aabutin ng ilang trilyong piso. Hindi yan ang kailangang marining sa SONA.
Ang kailangan namin, mahal na pangulo, ay marinig nang direkta kung ano ba talaga ang mga problema ngayon at kung ano ang ginagawa nyo upang masagot ang mga ito. Iyon ang SONA na hinihintay ng mga Pilipino.
Hindi naming kailangan ng mga pangako, nang mga plano, ng mga kahibangang wala naming direktang maitutulong sa pang-araw-araw naming pamumuhay. Hindi lahat ng mga taong nasa-ilalim mo, mahal na pangulo, ay mayayaman. Hindi naming kailangan ng mararangyang bagay; Kailangan lang naming mabuhay ng masaya. Hindi rin namin kailangan si Pacquiao.
Nasaan na ang tunay na nilalaman ng SONA? Tumingin ka sa paligid mo ngayon. Yan ang tunay kalagayan ng bansa. Tsk. tsk., nakakalungot ano?
Isang araw, dalawang suntok sa dibdib ng mga Pilipino. Hindi na nga tayo nanalo sa Miss Universe (Miss Photogenic lang), wala pa tayong napala sa SONA.
Sana natulog nalang tayo.
(This paper is dedicated to Sir Ampil... Sir, eto napo yung paper ko.. Uno yan!)
Labels: articles
1 Comments:
ay, basta ako, nanood nalang ako ng bituwing walang ningning! o kaya naman natulog! ^_^
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home