Electric Itlog

An archive of what was and what will be...

Tuesday, July 18, 2006

Alam Kong Ako ang Nag-Give-Up

Matagal ko nang kinikimkim ang bagay na ito sa puso ko. Sinabi ko dati, wala ito, nababaliw lang ako, nagpapaka-senti lang ako sa mga bagay-bagay na nakaraan.

Pero nung makita ko yung Friendster profile mo at nakita ko yung mga picture mo at nang syota mo, puta talaga! Hindi ko matiis!

Nung isang araw, may lagnat ako. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Alam mo kung ano ang nakakatawa? Habang nakahiga ako at nagpapahinga, ikaw ang naaalala ko. Naaalala ko yung pakiramdam nung tayo pa. Yung feeling na nandyan ka. Yung mga panahon na nagkakasama tayo sa classroom at sa computer lab. Yung tawagan natin. Yung jologs na kanta na naging themesong natin. Naaalala ko lahat yun... pati narin nung niloko mo ako.

Putang-ina mo naman kasi e! Mahal kita! Ni minsan hindi kita niloko, ni minsan hindi kita inaway, pero anong nakuha ko? Nakikipagtext ka dun sa isa mo habang hindi mo man lang ako makuhang itext! Iniwan mo ako sa bahay nila Quisano para tumulong sa thesis nyo habang nakipagkita ka sa kanya sa Metro! Tangina talaga! Alam mo ba kung gaano kasakit yon?

Tapos nung isang taon, tinawagan kita dahil miss na kita at inimbitahan pa kita sa bahay namin para mag-overnight. At bago pa nangyari ang mga bagay-bagay, kinuwentuhan mo pa ako na hindi pala naging kayo nung isa mo at sa halip ay naging kayo ni F__! Alam mo, kahit na nakikitawa ako sa iyo, ang sakit nuon para sa akin. Tinapon mo lahat nang meron tayo pero wala ka paring napala! Puta ka talaga! Mahal kita e!

At ang pinaka-masakit e hindi mo man lang sinabi na meron ka pala nung time na yon. Putang ina! Feeling ko e ginamit lang natin ang isa't-isa para maligayahan tayo nang isang gabi. Akala ko pa naman e may pag-asa pa tayo...

Ang sakit para sa akin, pero kailangan kong aminin: mahal parin talaga kita. Kahit na anong gawin ko, ikaw parin ang taong mahal ko. I still can't get over you! It's been three years, pero nandito parin ako, umaasa na magtetext ka kahit minsan lang.

Tama ka sa mga sinabi mo nung gabing nagbreak tayo: "Bahala ka. Basta't tandaan mo, ikaw ang nag-give-up." Ginawa ko yun dahil alam kong walang patutunguhan yung mga bagay non. Tangina! Niloko mo ako e!

Alam kong wala akong laban sa iba mo: hindi naman ako gwapo, hindi naman ako magaling, at may mga bagay na kulang sa akin. Pero mahal kita! Hindi pa ba yon sapat para sa iyo?

Siguro hindi, dahil hanggang ngayon e nagdadalawang isip parin ako kung minahal mo nga ba talaga ako o kung talagang naging tayo ba. Mas madali kasing tangapin na iba lang ang habol mo sa akin noon.

Wag mong bigyan ng malisya ang post kong ito. Sa pagsusulat ko ng post na ito, wala akong ibang kagustuhan kundi ang sabihin lang kung ano talaga ang nararamdaman ko. Mahal kita, yun lang yon. Hindi kita hinihikayat na magbalik, hindi ko rin ineexpect na bigla mo akong ikokontact para mangumusta. Hindi ko rin nga alam kung mababasa mo ito e.

Ngayong nasabi ko na ang mga nararamdaman ko, bahala na ang buhay, bahala na ang panahon. At kahit alam kong magkakaroon parin ng mga oras na magbabalik ako sa nakaraan at mapag-iisip ako kung ano nga kaya ang nangyari kung hindi ako nag-give-up, ayoko nang umasa. Ang mga assumera kasi, hindi lumiligaya.

Yun lang yon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home